Hindi pabor si Senate Committee on Electoral Reforms chairperson Senador Imee Marcos sa panukalang ipagpaliban ng isang taon ang botohan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Senadora Imee, noon panghuling Kongreso ay tutol na siya dito.
Binigyang-diin ng senadora na kailangan nang marinig ang boses ng mga taga-BARMM, partikular na sa mga lider na gusto nilang mamuno sa kanilang rehiyon.
Pinunto rin ng mambabatas na malaking pera ang mayroon sa BARMM kaya posibleng maraming nagkakainteres.
Kabilang na dito ang nasa P490 billion na naibigay na sa BARMM, kabilang na rin aniya ang higit P70 billion sa bloc grant.| ulat ni Nimfa Asuncion