DSWD, pinuri sa maagap na pagresponde sa Bicol Region noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni House Assistant Minority Leader at Camarines Sur Representative Gabriel Bordado si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa maagap na pagresponde sa kanyang mga kababayan na nasalanta ng bagyong Kristine.

Sa kanyang privilege speech sa plenary, sinabi ni Rep. Bordado na walang pagod ang pagtulong ng mga taga DSWD sa kanyang mga kababayan, upang maihatid ang relief goods maging hanggang matapos ang pananalasa ng bagyo.

Diin nito, walang sinayang na oras ang DSWD sa kanilang pagtulong.

Maaalalang agad na lumipad si Sec. Gatchalian sa Camarines Sur upang personal na makita ang sitwasyon ng ating mga kababayan na apektado ng bagyo.

Kasama din ni Sec. Gatchalian si Rep. Bordado noong nagprisinta ang kalihim sa situation briefing sa Camsur kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us