BFAR: Bawal ang panghuhuli ng galunggong sa Palawan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit ang paalala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na bawal na ang panghuhuli ng isdang galunggong sa Northern Palawan.

Ayon sa BFAR, ito ay dahil nagsimula na ang taunang tatlong buwan na closed fishing season sa nasabing karagatan noong Nobyembre 1 hanggang Enero 31 ng susunod na taon.

Partikular na ipinagbabawal ang paggamit ng purse seine, ring net, at bagnet sa panguhuli ng target species na isda.

Ang closed fishing season ay isang science-based conservation measure na layong protektahan ang mga isda sa panahon ng kanilang pangingitlog.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tumaas ang produksiyon ng galunggong sa Palawan mula 7,507 metric tons noong 2016 hanggang 8,146.84 mt noong 2022. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us