Ikinatuwa ng Korte Suprema ang pagkakasabatas sa paglikha ng mga bagong dagdag na 60 na mga korte sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon sa Supreme Court, mapapabilis nito ang paglilitis dahil madadagdagan na rin ang mga huwes na hahawak sa mga kaso.
Ang paglikha sa dagdag na 60 korte ay dahil sa inaprubahang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mga Republic Act 12044 hanggang Republic Act 12054.
Kinabibilangan ito ng 37 mga Regional Trial Court, 2 Metropolitan Trial Court, at 21 na mga Municipal Trial Court sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Kabilang sa mga lugar na may bagong likha na mga korte ay ang Los Baños, Laguna; Cabuyao City, Laguna; Pagadian City, Zamboanga Del Sur; Antipolo City, Rizal; Island Garden City of Samal at Panabo City na parehong nasa Zamboanga del Norte. | ulat ni Mike Rogas