Maagang Pamaskong Handog para sa lahat ng Muntinlupeño, umarangkada na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na ang distribution ng 140,000 packages para sa ikalawang taon ng Pamaskong Handog mula sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, sa pangunguna ni Mayor Ruffy Biazon.

Ayon sa alkalde target nila na magkaroon ng selebrasyon ang bawat household sa Muntinlupa ngayong Pasko.

Naglalaman ang nasabing Pamaskong Handog ng:
3 kilo ng bigas,
1 pack 400g spaghetti pasta,
1 pack 900g spahetti sauce,
1 pack 400g elbow macaroni,
1 box 113g instant champorado,
1 can 175g karne norte,
1 can 150g meat loaf, at
1 can 85g liver spread.

Kinakailangan naman ng Pamaskong Handog stub para makapag-claim, ayon sa Muntinlupa LGU, na maaaring makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga HOA o community leader.

Nagtayo din ang Help Desk ang lokal na pamahalaan para sa mga katanungan at registration na maaaring lapitan sa araw ng distribution per barangay.

Tatagal ang nasabing pamimigay hanggang sa November 28 para sa siyam na barangay sa Muntinlupa. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us