Epekto ng mga nagdaang bagyo, ramdam na sa presyuhan ng gulay sa Marikina City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ramdam na ng mga nagtitinda ng gulay sa Marikina Public Market ang epekto ng mga nagdaang bagyo sa presyo ng kanilang mga ibinebentang produkto.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng mga nagtitinda ng gulay na nagsimulang sumipa ang presyo ng kanilang mga paninda buhat nang tumama ang bagyong Kristine.

Kabilang sa mga sumipa ang presyo ay ang Kamatis na nasa ₱170 na ang kada kilo gayundin ang Bell Pepper na ngayon ay nasa ₱350 na ang kada kilo.

Nananatili ring mahal ang presyo ng Luya na nasa ₱300 ang kada kilo, Sibuyas na nasa ₱120 ang kada kilo, Carrots ay nasa ₱170 ang kada kilo, Talong ay nasa ₱120 ang kada kilo.

Nasa ₱100 na ang presyo ng kada kilo ng Patatas, habang tumaas din ang presyo ng Repolyo at Pechay Baguio na kapwa nasa ₱140 ang kada kilo.

Wala namang pagbabago sa presyuhan ng manok na nasa ₱220 ang kada kilo, baboy ay nasa ₱320 hanggang ₱370 ang kada kilo, at baka na nasa ₱450 ang kada kilo.

Sa presyuhan ng isda, nananatiling mahal ang Galunggong na nasa ₱260 hanggang ₱270 ang kada kilo, Bangus na nasa ₱180 hanggang ₱220 ang kada kilo, at Tilapia ay nasa ₱120 hanggang ₱130 ang kada kilo.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture (DA) na asahan na ang 10 hanggang 15 porsyentong pagtaas sa presyo ng gulay na magtatagal ng isa hanggang dalawang linggo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us