Presyo ng Noche Buena items sa Marikina City, nagsisimula nang tumaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Unti-unti nang gumagalaw ang presyo ng ilang produktong pang Noche Buena sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nakumpirma ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bahagya nang tumaas ang presyo ng mga produktong madalas inihahain tuwing Pasko.

Sa Marikina Public Market halimbawa, nasa ₱5 na ang itinaas sa presyo ng ilang brand ng condensed milk na nasa ₱65 ang kada 390 grams, keso ay nasa ₱115 ang kada 500 grams, at all purpose cream na nasa ₱75 ang bawat 250 ml.

Ang paboritong panghanda naman na spaghetti ay nasa ₱88 hanggang ₱112 ang kada kilo, habang wala pang paggalaw sa presyo ng spaghetti sauce na nasa ₱98 ang kada kilo.

Sinabi ng ilang nagtitinda na sa ngayon ay hindi pa ramdam ang paggalaw sa presyo ng mga Noche Buena item subalit asahan na ang pagsipa nito habang papalapit ang Pasko.

Bukod kasi sa pagtaas ng demand ay nagtataas na rin ng presyo ang mga manufacturer at napapatungan pa ng mga wholesaler gayundin ng mga reseller.

Una nang ipinapayo ng pamahalaan na paunti-unti ay simulan na ang pamimili ng mga panghanda sa Noche Buena habang mura pa.

Magugunitang sa ulat ng PSA, bumilis ang inflation rate ng bansa sa 2.3 percent nitong Oktubre at ang itinuturong nakapag-ambag dito ay ang mga nagdaang bagyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us