Napuna ng mga mambabatas ang napakaraming iregularidad sa isinumiteng mga acknowledgment receipt ng Office of the Vice President at DepEd sa ilalim ng nakaraang pamunuan para sa paggastos ng confidential at intelligence fund.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Blue Ribbon Committee, sinilip ni 1Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez ang mga mali-maling petsa sa AR.
Partikular dito ang may petsang December 2023 na ginamit pang liquidate para sa pondo ng 2022.
“Is it not strange, not really strange, it’s outright false for it to justify an expense in 2022 but the date is 2023?” tanong ni Gutierrez sa COA.
Sabi pa niya na malabong simpleng pagkakamali lang ito dahil 158 na resibo ang may mali-maling petsa
Kaya duda nya, minadali at hinabol lang ang mga AR para malusutan ang mga nakita butas ng Commission on Audit.
“I don’t think, Mr. Chair, this was a mistake that was committed in December 2022.
This was a mistake that was committed after the fact, after the AOM and after the Notice of Suspension when they were rushing to comply with yung mga butas po ng lahat ng COA. Or if they say typographical error naman, it wouldn’t make sense. What’s that doing in December 2022? 158 times po nangyari.”
Si Antipolo Rep. Romeo Acop, pinuna naman ang iisang tinta ng ballpen na ginamit sa pag-fill out ng AR na pinambayad umano sa mga impormante, magkakatulad na sulat kamay, gayundin ang isang pangalan ng impormante na kapwa lumabas sa OVP at DEPED pero magkaiba ang pirma.
“Kita po natin dito na there are certain things na irregular insofar as the DEPs or acknowledgement receipts submitted by the two offices doon po sa COA…karamihan po ay hindi po totoo. And therefore, if hindi po totoo, hindi natin malalaman kung saan talaga napunta yung pondo, yung confidential fund, until and unless we would be able to grill yung dalawang SDOs. The SDO of the Office of the Vice President and the SDO of the Department of Education.” diin ni Acop
Sabi pa niya, na kung hindi totoo ang naturang pinaggastusan ng confidential funds ay maituturing itong technical malversation.
“We can only surmise, Mr. Chair, na yung pondo, dalawa lang ang pupuntahan noon. Kagaya na sabi ko, sa bulsa or nagamit sa ibang bagay, both hindi po tama. Kasi kung ginamit sa ibang bagay, and I think the lawyers of COA would agree with me, that there’s technical malversation.” sabi pa ni Acop. | ulat ni Kathleen Forbes