Malaking bilang ng mga Pilipino ang nagkatrabaho sa bansa nitong Setyembre ng 2024.
Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), sumampa sa 96.3% ang employment rate nitong Hunyo o katumbas ng 49.87 milyong Pilipinong may trabaho.
May katumbas itong higit sa dalawang milyong Pilipino na nagkatrabaho mula Setyembre ng 2023.
Bumaba rin sa 3.7% ang unemployment rate mula sa 4% noong Agosto.
Kumakatawan ito sa tinatayang 1.89 milyong walang trabaho noong Setyembre.
Naitala naman sa 11.9% ang
underemployemnt rate o mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan.
Kabilang naman sa mga sektor na may pagtaas ng employment sa nakalipas na buwan ang admin at support services, manufacturing, at ang agriculture at forestry. | ulat ni Merry Ann Bastasa