Sumampa na ang bilang ng mga nasasawi bunsod ng pananalasa ng mga bagyong Kristine at Leon.
Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 154 ang bilang ng mga napaulat na nasasawi.
Sa nasabing bilang, 20 rito ang kumpirmadong may kinalaman sa mga nagdaang bagyo.
Aabot naman sa 134 ang bilang ng mga nasaktan habang mayroon pang 21 na nawawala at patuloy pang pinaghahanap.
Pumalo na rin sa 2.2 milyong pamilya o katumbas ng 8.8 indibiduwal ang naapektuhan ng bagyo.
Habang nasa halos 48 libo (47,974) pamilya o 193,741 na indibiduwal ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers sa mga rehiyon ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at NCR.
Gayundin sa Easter, Central at Western Visayas, Zamboanga Peninsula at SOCCSKSARGEN region. | ulat ni Jaymark Dagala