Habang papalapit ang Typhoon Marce, pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na paigtingin din ang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyo lalo na sa Northern Luzon.
Kasama sa pinatitiyak ng DILG ang mga evacuation center sakaling may mga residenteng kailangang ilikas.
Pinaghahanda na rin ang mga ito ng drop-off zones para sa mas maayos na distribusyon ng relief goods.
Gayundin ay pinalilinis na ang mga drainage systems para maiwasan ang mga pagbaha at ang pagpapatupad ng Operation L!sto protocols.
Sa ngayon, nakastandby na ang mga tauhan ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology sa posibleng deployment sa mga apektadong lugar.
Sa ngayon, tumutulong na rin ang mga tauhan ng BFP at BJMP sa stock-piling ng relief goods. | ulat ni Merry Ann Bastasa