Itinaas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Alpha hanggang Charlie sa ilang lalawigan sa bansa dahil sa epekto ng bagyong Marce.
Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hanging hanggang 140km/h at matinding mga pag-ulan ang mga lalawigan ng Abra, Apayao, Cagayan, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Alert Level Bravo naman na may heavy to intense rains ang inaasahan sa Batanes, Kalinga, at Isabela
Habang nasa Alert Level Alpha naman ang mga lalawigan ng Benguet, Ifugao, La Union, Mountain Province, Nueva Vizcaya, at Quirino.
Pinaalalahanan ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang Oplan Listo Protocols bilang paghahanda sa banta ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa