LTO, iginiit na walang pinagtatakpan sa isyu ng protocol plate na dumaan sa EDSA Busway

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na wala itong pinagtatakpan sa isyu ng nag-viral na video ng puting SUV na may plakang “7” na dumaan sa EDSA Carousel na eksklusibo lamang sa mga bus.

Ayon kay Atty. Greg Pua Jr., Executive Director ng LTO, patuloy ang kanilang ginagawang malalimang imbestigasyon sa viral video at nakikipag-ugnayan na rin sa iba’t ibang ahensya.

Giit nito, oras na matukoy ang registered owner at driver ng SUV, ito ay pananagutin sa patong-patong na paglabag.

Kabilang ang disregarding traffic sign at improper person to operate a motor vehicle.

Una nang sinabi ng LTO na peke ang protocol plate na nakuhanan sa viral video dahil walang nakarehistrong ganitong plaka sa parehong mamahaling SUV. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us