Nakatakdang maghain ng panukalang batas si Manila Rep. Joel Chua upang matiyak na wasto at makatwirang paggamit ng confidential funds.
Ito ang inihayag ni Chua na siyang ring Chair ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa resumption ng investigation in aid of legislation ng komite sa confidential funds ng Department of Education at Office of the Vice President.
Binigyan diin ni Chua, dapat palakasin ang kapangyarin ng Commission in Audit ang kanilang pag audit ng paggastos ng confidential funds –kabilang ang verification at aktwal na paggastos nito at hindi lamang limitado sa isinusumiting documentation ng ahensya.
Sa paraan na ito ay matutugunan ang gaps na siyang nadiskubre ng committee sa kanilang imbestigasyon sa DepEd at OVP sa ilalim ng pamumuno ng pangalawang pangulo.
Sa naturang pagdinig, inilabas ng Commission on Audit ang ilang mga discrepancies at “inadequate documentations sa paggasta ng confidential funds ng dalawang ahensya kung saan tinawag nila itong “bogus” expenses dahilan para makwestyon ang transparency at accountability ng mga ito.
Ito anya ang layunin ng committee, ang bumuo ng panukalang batas para maregulate ang paggawin ng pondo ng bayan. | ulat ni Melany Reyes