Paggamit sa mga asset ng pamahalaan sa pagtugon sa kalamidad, di maka-aapekto sa external defense operations — DND

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling “on top of situation” ang pamahalaan para tumugon sa posibleng epekto ng bagyong Marce sa bansa.

Ito ang tiniyak ng Department of National Defense (DND) kasunod ng pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naka-puwesto na ang kanilang mga asset para rito.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Chairperson at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., hindi naman maka-aapekto sa external defense operation ang kanilang disaster response efforts.

Sa katunayan, may mga kagamitan ang pamahalaan na gagamitin sa paghahatid ng tulong at hindi rin naman makagagalaw ang kalaban kapag masama ang panahon.

Una nang inihayag ni AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. na maagang ipinakalat ang kanilang Search, Rescue, and Retrieval teams kasunod nang inaasahang epekto ng bagyong Marce.

Maliban sa 305 na Search, Rescue, and Retrieval teams, nakaposisyon na rin sa Northern Luzon ang kanilang airlift capabilities gaya ng mga C130 planes na nakahandang magdala ng mga relief goods. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us