Hinimok ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga rice traders na tiyakin na naipapasa sa mga mamimili ang murang presyo ng bigas matapos tapyasan ng gobierno ang taripa ng imported rice.
Diin ni Recto, importante na maramdaman ng publiko ang mababang presyo ng bigas dahil ito ang layunin ng imported rice tariff reduction.
Ginawa ng kailihim ang pahayag matapos tumaas ang inflation nitong Oktubre ng 2.3% habang ang rice inflation naman ay umakyat ng 9.6%.
Ayon sa DoF, inaasahan nilang panandalian lamang ang naitalang pagtaas ng rice inflation at inaasahan na magtutuloy tuloy ang pagbaba nito sa mga susunod na buwan dahil sa pagdating ng mas mulang presyo ng imported rice sa bansa.
Sa National Capital Region, nitong nakaraang buwan, bumaba ang ng P3.5 ang average retail price ng kada kilo ng bigas.
Tinatayang magkakaroon din ng bawas presyo sa bigas sa international market matapos i-lift ang export bansa India. | ulat ni Melany Reyes