Patuloy na isinasagawa ng pamahalaan ang repatriation ng mga overseas Filipino worker (OFW) na naiipit sa kaguluhan sa Middle East.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, inaasahang darating sa bansa ang 50 OFWs mula Lebanon sa November 8, at 50 OFWs din sa November 9.
Mayroon din 20 pang OFWs ang nakatakdang dumating mula Lebanon sa November 13.
Bukod dito, may 214 OFWs din ang kasalukuyang may pending clearance Lebanese immigration habang inaayos pa ang kanilang mga dokumento, kaya’t wala pa silang tiyak na petsa ng pag-uwi sa Pilipinas.
Dahil dito, inaasahang aabot sa 334 OFWs ang makakabalik sa Pilipinas ngayong Nobyembre.
Sa kabuuan, mahigit 1,000 OFW sa Lebanon ang nag-avail ng repatriation program kasama ang kanilang mga pamilya.
Samantala, halos 1,000 OFW din ang napauwi na mula sa Israel. | ulat ni Diane Lear