Pagpapanatil ng kapayapaan sa Metro Manila, prayoridad pa rin ng NCRPO sa kabila ng papalapit na holiday season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakatutok pa rin ito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Kalakhang Maynila sa kabila ng papalapit na holiday season.

Paliwanag ng nasabing Regional Command patuloy ang kanilang iba’t ibang operasyon laban sa iba’t ibang ilIgal na aktibidad gaya ng mas pinatinding anti-illegal drugs campaign, kung saan nakapagsagawa ang NCRPO ng 703 operations, na nagresulta sa pagkakaaresto ng to 1,039 na indibidwal at pagkakakumpiska ng iba’t ibang mga ilIgal na kagamitan, kabilang ang mga libo-libong gramo ng mga ilIgal na droga na umaabot sa mahigit ₱79 million ang halaga.

Patuloy pa rin ang kampanya ng NCRPO laban sa loose firearms, illegal gambling, at pagtugis sa mga pinaghahanap na mga kriminal.

Nakapagsagawa din ang NCRPO ng iba’t ibang hakbang para mapanatiling ligtas ang mga international event na ginagawa sa bansa.

Ayon kay NCRPO Chief Sidney Hernia ang kanilang mga ginagawa ay nakabase sa mantra ni Chief PNP Police General Rommel Francisco Marbil na Sa Bagong Pilipinas, Gusto ng Pulis Ligtas Ka!

Handa rin umano ang NCRPO na panatilihin ang kanilang magandang performance para matiyak na ligtas tirhan, pagtrabahuhan, at pagnegosyohan ang Metro Manila. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us