DSWD Chief, tiniyak ang patuloy na pagbibigay ng tulong sa Bicol Region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga pamilya na naapektuhan ng kalamidad sa Bicol Region.

Mensahe ito ng kalihim sa Bicolanos, sa kanyang pagtungo sa Camarines Sur kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Bukod sa financial assistance na ibinigay ng Pangulo sa mga pamilya, nagpaabot din ng 500,000 kahon ng Family Food Packs ang DSWD sa local government units sa Bicol Region.

Aabot sa 5,000 magsasaka, mangingisda at iba pang pamilya na lubhang naapektuhan ng bagyong Kristine ang inaasahang makakatanggap ng tulong pinansyal.

Sabi pa ng kalihim, lahat ng 231 barangays na lumubog sa baha ay mabibigyan ng tulong.

Maging ang 693 barangays na bahagyang lumubog sa baha ay may matatanggap ding tulong mula sa pamahalaan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us