Aabot sa P24.4-M na paunang insurance payments ang naipamahagi na ng Philippine Crop Insurance Corp. sa mga magsasaka na sinalanta ng malawakang pagbaha sa Bicol Region dulot ni bagyong Kristine.
Mismong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr.ang nag abot ng indemnity check sa mga apektadong magsasaka kasabay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Bicol Region.
Nauna nang inatasan ng Kalihim ang PCIC na bigyan ng bayad pinsala ang mga magsasaka para makabangon kaagad sa kalamidad na dala ng bagyo.
Bukod sa bayad-pinsala ng PCIC, may iba pang tulong ang ibinigay sa kanila ng DA tulad ng farm inputs, mga buto at pataba.
Kabilang sa nabigyan ng indemnification check ang 2,644 na magsasaka sa Albay, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate at Sorsogon. | ulat ni Rey Ferrer