Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na pitong lokal na pamahalaan ang natuklasang sangkot sa iligal na recruitment sa mga overseas Filipino worker (OFW) na ipinadadala sa South Korea.
Dahil dito, pansamantalang ipinatitigil ng DMW ang recruitment process sa mga nasabing lokal na pamahalaan.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, ang hakbang na ito ay bunsod ng mga natuklasang iligal na gawain sa recruitment ng mga seasonal worker.
Hindi naman tinukoy ni Cacdac ang partikular na mga lokal na pamahalaan ang sangkot sa nasabing illegal recruitment.
Sinabi rin ni Cacdac, na ito ang dahilan sa pagpasok ng DMW sa pagpapadala ng mga seasonal worker sa South Korea para matiyak na mayroong legal terms and conditions of employment ang mga ito.
Sa kabuuan, umabot na sa 6,100 na mga OFW ang naipadala sa ilalaim ng Seasonal Worker Program simula Pebrero ngayong taon. | ulat ni Diane Lear