Ikinalugod ng mga mambabatas ng Mababang Kapulungan ang desisyon ng Senado na i-adopt ang inaprubahang bersyon ng Kamara ng panukalang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2025.
Ayon kay Appropriations Vice-Chair Zia Alonto Adiong, na sponsor rin ng OVP budget, pinatunayan lang ng hakbang ng Senado na may sapat na basehan ang Kamara para bawasan ang pondo ng OVP at i-realign ang mga redundant na pondo sa mga ahensya na nangunguna sa social at health programs gaya ng DSWD at DOH.
Sabi pa ni Adiong, na batid din niya ang naging hamon kay Senate Finance Committee Grace Poe na bigong makakuha ng mga dokumento mula sa OVP.
“We welcome the decision of the senate to retain the proposed P733 million as initially adopted, approved by the House version. Ito’y nagpapatunay na from the very start na tama yung basehan na naging committee report ng committee on appropriations. Pangalawa as a sponsor, alam ko yung na-experience po ng Senate ngayon when they were asking for the documents…it really validates, it gives credence to the decision of the House of Committee on Appropriations na ma-realign itong P1.2 billion na in-realign po natin sa mga ahensya na nagbibigay ng mga parehong serbisyo po.” sabi ni Adiong
Sabi naman ni Deputy Majority Leader Jude Acidre, vindication ito para kay Adiong na binatikos sa kaniyang pagdepensa sa OVP budget.
Lalo’t kahit sa senado ay nakita na hindi naging cooperative ang ovp sa pag-depensa ng kanilang panukalang budget.
“…it also vindicates the stance taken by the Hon. Zia being the sponsor of the budget of the OVP. Kasi alam naman natin medyo binabatikos siya na remiss siya sa pag-defend ng budget ng OVP pero nakita natin dito kahit maging sa Senado patuloy pa rin iniiwasan ng tanggapang ng pangalawang pangulo sa pag-defend ng kanilang budget sa tama at saktong pamamaraan.” sabi ni acidre
Dagdag pa ni Appropriations Vice-Chair Jil Bongalon, patunay din ito na tama at may basehan ang paglilipat ng panukalang pondo ng OVP at hindi dahil lang sa pamomolitika.
“the adoption of the Senate on the budget of the Office of the Vice President is just really a confirmation that we did in lower house is just a result of a work that is fair and there’s nothing about politics here.” diin ni Bongalon
Mula sa orihinal na P2 billion mahigit na hinihinging pondo ay inilipat ng Kamara ang P1.2 billion sa DOH at DSWD, kaya’t nasa P733 million na lang ang inaprubahang panukalang budget ng OVP sa 2025. | ulat ni Kathleen Forbes