Isang panukalang batas para amyendahan ang Universal Healthcare Act ang inihain sa Kamara.
Layunin ng House Bill 10995 na ma-institutionalize ang komprehensibo at angkop na dagdag sa PhilHealth benefits habang pabababain naman ang kontribusyon ng mga miyembro.
Kung maisabatas, imbes na ipatupad ang 5% mandated premium para sa taong 2024 at 2025 ay gagawin itong 4% at 4.25% na lang.
Bibigyang kapangyarihan din ang Pangulo ng bansa na suspendihin ang premium contribution increase sa panahon ng state of national emergency, public health emergency o state of calamity.
Isa pang probisyon ng panukala ang pagrepaso sa Health Technology Assessment Council at i-a-assess ang halaga ng bawat PhilHealth benefit package upang masigurong updated ang mga ito.| ulat ni Kathleen Forbes