Panibagong kaso ng MPOX, naitala sa Quezon City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa na namang panibagong kaso ng MPOX ang naitala ng Quezon City Government.

Ang ika anim na pasyente na nagpositibo sa MPOX ay isang 31-taong gulang na lalaki at residente ng lungsod.

Naramdaman nito ang sintomas ng MPOX noong Oktubre 18, 2024.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Division, bumisita ang pasyente sa Fahrenheit Club (F Club) noong Oktubre 5 na una nang ipinasara ng pamahalaang lungsod.

Ang nasabing club ay tumanggi ring makipagtulungan sa contact tracing team, na isang paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act. 

Tiniyak ng Quezon City LGU, na hindi na papayagang makakapag-operate pa ang nasabing establisyimento hangga’t hindi sumusunod sa  regulasyon ng lungsod. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us