P1.3-B budget cut ng Office of the Vice President sa Senado, pinuri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol Representative Zaldy Co ang desisyon ng Senado na panatilihin ang P1.3 bilyong bawas sa panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Rep. Co, ipinakita ng mga Senador ang kanilang paninindigan bilang malayang sangay na sumusuporta sa posisyon ng Kamara na una nang nagtapyas sa budget ng OVP.

Aniya, maraming bahagi ng budget ng OVP ay para sa mga gawaing dapat ay saklaw na ng ibang ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Heath (DOH).

Nagpasamat din ang mambabatas sa Senado sa kanilang dedikasyon sa fiscal responsibility at transparency.

Dagdag pa niya, malaki ang matitipid mula sa mga kinanselang gastusin kabilang na ang P53 milyon para sa renta ng satellite offices ng OVP, na umano’y dinu-duplicate o sinasalamin lang ang trabaho ng ibang ahensya ng gobyerno.

Diin ni Co, mas makabubuti kung ang P1.3-bilyong pondo ay mailalaan sa mga programang tulad ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Program (MAIFIP) ng Department of Health (DOH), na tutulong sa mga kababayan sa panahon ng krisis. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us