Pinangunahan ng Task Group “Abot Tulong sa Batanes” ng Naval Forces Northern Luzon ang relief efforts ng Philippine Navy upang magbigay ng tulong sa mga Ivatan na naapektuhan ng mga bagyong Julian, Kristine, at Leon.
Sa pakikipagtulungan sa Office of Civil Defense (OCD), Northern Luzon Command (NOLCOM), at Naval Forces Northern Luzon (NFNL), naglunsad ang grupo ng operasyon at nagdala ng nasa 20 metric tons ng pagkain, tubig, at iba pang pangunahing pangangailangan sa Batanes.
Ang mga relief goods ay kaloob ng PAGCOR at OCD.
Bukod pa rito, magpapadala rin ng karagdagang tulong gaya ng hygiene kits, communication equipment, and electrical post mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at organisasyon upang suportahan ang mabilis na pagbangon ng Ivatan community mula sa epekto ng mga kalamidad. | ulat ni Diane Lear