Hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang mga Italian investor na mamuhunan sa mga malalaking proyekto sa transportasyon ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa ASEAN-Italy Economic Relations, binigyang-diin ni Secretary Bautista ang potensyal ng mga big ticket transportation projects ng pamahalaan.
Sinabi rin ni Bautista na nakatuon ang ahensya sa pagsasagawa ng mga proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership upang magbigay-daan sa pagpasok ng pribadong sektor.
Dagdag pa ni Bautista, ilan sa mga bansa na nakipag-partner na sa DOTr para sa mga transportation projects ay ang Japan, US, United Kingdom, China, South Korea, Singapore, Belgium, at Switzerland. | ulat ni Diane Lear