Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkakapanalo ni dating US President Donald Trump sa katatapos lamang na US elections.
Ayon sa Pangulo, nagtagumpay ang mga mamamayan ng Estado Unidos, at ipinamalas nila ang values ng kanilang bansa sa pamamagitan ng paggamit ng karapatang makaboto.
“President Trump has won, and the American people triumphed, and I congratulate them for their victory in an exercise which showed the world the strength of American values.” —Pangulong Marcos
Ayon sa Pangulo, looking forward na ang Pilipinas na makatrabaho si Trump sa iba’t ibang usapin na kapwa magbi-benepisyo ang dalawang nasyon, na mayroong nang matagal na balikatan at parehong layunin at paniniwala.
“We look forward to working with President Trump on a wide range of issues that will yield mutual benefits to two nations with deep ties, shared beliefs, common vision, and a long history of working together.” —Pangulong Marcos
Umaasa ang Pangulo, na ang alyansa sa pagitan ng dalawang bansa na sinubok na ng kaguluhan at kapayapaan ay tatahak pa sa daan ng kaunlaran at pagkakaisa.
“I am hopeful that this unshakeable alliance, tested in war and peace, will be a force of good that will blaze a path of prosperity and amity, in the region, and in both sides of the Pacific.” —Pangulong Marcos
Binigyang diin ng Pangulo ang commitment ng Pilipinas sa balikatang ito, lalo’t kapwa isinusulong ng dalawang nasyon ang kalayaan at demokrasya.
“This is a durable partnership the Philippines is fully committed to because it is founded on the ideals we share: freedom and democracy.” —Pangulong Marcos.
Positibo rin ang Pangulo sa isang mas mayabong na hinaharap para sa lahat, sa ilalim ng pamumuno ni Trump sa US.
“I have personally met President Trump as a young man, so I know that his robust leadership will result in a better future for all of us.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan