Binuksan ngayong araw ang Kadiwa on Wheel sa Phase 1,(PHIMRA) Brgy. Moonwalk.
Bukod sa mga murang gulay tulad ng talong na ₱40 kada kilo, kalabasa na ₱20 kada kilo ay mabibili rin ang mga prutas galing sa Davao tulad ng Lakatan Davao, ₱80/kg at Avocado Davao, ₱150/kg.
Ayon kay Michael Villafuerte Butuhan ng Duran Farm, nananatiling matatag at halos walang paggalaw sa presyo ng Lowland vegetables.
Samantala, availabe din sa Kadiwa on Wheel sa Phase 1,(PHIMRA) Brgy. Moonwalk ang puti at pulang sibuyas na ₱150 kada kilo. | ulat ni Don King Zarate