Finance Sec. Recto: Patuloy na pagbaba ng unemployment rate, tanda ng pag-unlad ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Finance Secretary Ralph Recto na ang bumababang unemployment rate ay indikasyon na patuloy ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng inilabas na 3.7 percent na unemployment rate ng Philippine Statistics Authority para sa buwan ng Setyembre.

Ayon kay Recto, taglay ng Pilipinas ang paborableng demographics sa ASEAN kung saan maituturing itong “golden moment” ng bansa, at pakikinabangan para sa long term growth.

Aniya, ang mas pinahusay na labor force survey ay senyales na dapat pang palakasin ang pagbibigay ng oportinidad sa ating mga kababayan.

Nangako ang Finance Chief, na patuloy silang magsisikap upang makapaglikha ng mas maraming de kalidad na trabaho, mas malaki ang kita, at mas may kakayahan na mag-ipon, mag invest at gumastos na magtutulak sa ekonomiya ng bansa.

Sa kasalukuyan, ang median age ng Pilipinas ay nasa 25 taong gulang lamang—ang pinakamababa sa ASEAN ayon sa pag-aaral ng HSBC. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us