Nilinaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes na hindi na ang kanilang ahensya ang nangangasiwa sa EDSA busway.
Ayon kay Artes, noong pang June 30 ay pinalitan na ng Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ang mga nagbabantay sa bus carousel.
Kaya naman sa ngayon ay wala na aniya silang deployment sa EDSA busway at wala na silang hurisdiksyon doon.
Pero sinabi ng opisyal na maaari pa rin silang manghuli ng mga traffic violator sa EDSA busway kung hihingin ng DOTr-SAICT ang kanilang tulong
Kaya aniya nilipat sa DOTr-SAICT ang hurisdiksyon dito ay nagkakadoble-doble na ang kanilang operasyon.
Handa naman sina Artes na magpaliwanag sakaling matuloy na ang ikakasang imbestigasyon ni senador raffy tulfo sa isyu ng nakalusot na SUV na may protocol plate na siyete sa EDSA busway.| ulat ni Nimfa Asuncion