Bagaman nirerespeto ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre ang pahayag ng Senado sa “Ayuda sa Kapos ang Kita Porgram” o AKAP ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nanawagan ito sa mga senador na tignan muna ang benepisyong naihatid nito sa taumbayan.
Ginawa ni Acidre ang pahayag kasunod ng rekomendasyon ng Senate Finance Committee sa Senado na tanggalin na ang AKAP program sa 2025 General Appropriations Bill.
Sinabi ni Acidre na malaking ginhawa ang naihatid ng AKAP sa mga kababayang kulang ang kinikita sa kanilang sweldo.
Hindi lamang ito aniya nagsisilbing ayuda sa mga kababayan natin, bagkus nakatutulong ito sa ekonomiya dahil tumataas ang purchasing power ng mga benepisyaryo.
Panawagan ng mambabatas sa mga senador na huwag naman hayaan na mawala sa taumbayan ang tulong ng gobyerno na nararapat para sa kanila. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes