Namahagi nitong Martes, November 5, 2024, ang Department of Social Welfare and Development ng mga family food packs sa mga residente ng bayan ng Mahatao.
Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Officer Cyrus Barren, nasa 615 na pamilya ang tumanggap ng tig-isang FFP mula sa DSWD.
Ang mga nasabing ayuda ay bahagi ng tulong mula sa pamahalaan para sa mga residente dito sa probinsya matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Leon noong nakaraang weekend. | ulat ni Myzel N. Estoy | RP1 Batanes