Intelligence Command, itinatag ng AFP upang tutukan ang iba’t ibang hamong pangseguridad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtatag ng bagong unit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na siyang tututok sa tinatawag na “evolving threats” sa makabagong panahon.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, kanilang pinagana ang Intelligence Command para tugunan ang iba’t ibang hamong pangseguridad.

Sinabi ni Padilla na August 21 pa nilikha ang bagong yunit ng AFP subalit ngayon lamang nila ito isinapubliko.

Gayunman, tumanggi nang magbigay ng karagdagang detalye si Padilla hinggil sa pagkakatatag ng Intelligence Command.

Pinamumunuan ito ni Lt. Gen. Ferdinand Barandon at na-promote na ito sa mas mataas na ranggo noong November 5. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us