Nananatiling matatag ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong bahagi ng taong ito na naitala sa 5.2 percent batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA)
Gayunman ayon kay PSA Undersecretary at National Statistician Claire Dennis Mapa, bagaman mabagal ito kumpara sa 6 percent na naitala sa kaparehong panahon noong isang taon, pasok pa rin ito sa kanilang target
Ayon sa PSA, pinakamalaking nakapag-ambag sa paglago ng ekonomiya ang mga nasa Servie sector na nasa 6.3 percent gayundin ang Industry sector na nasa 5 percent
Partikular na ito sa wholesale at retail trade, repair of motor vehicles at motorcycles gayundin ang financial at insurance activities
Habang ang Agriculture, forestry at fishing sector naman ay nakapagtala ng 2.8 percent
Samantala, ini-ulat din ng PSA ang pagtaas ng Gross National Income sa 6.8 percent sa ikatlong bahagi ng 2024 habang ang Net Primary Income ay naitala sa 19.3 percent| ulat ni Jaymark Dagala