Suportado ni Rizal Rep. Fidel Nograles ang panawagan ng government think tank na Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na magkaroon ng isang Labor Market Information System (LMIS) upang maisaayos ang labor forecasting ng bansa.
Aniya makakatulong ang LMIS para tugunan ang mga gaps at hamon sa skills mismatch, kakulangan, at labor force needs, para makabuo ng akmang training curriculum ang mga learning institutions.
Ayon sa pag aaral ng PIDS, ang outdated at hindi kumpletong labor market information ang isa sa posibleng sanhi ng skills mismatchs na nakaka apekto rin sa productivity at economic competitiveness.
Naniniwala ang House Committee on Labor and Employment chair na kung maisakatuparan ay walang maiiwang manggagawang Pilipino sa mabilis na nagbabagong pangangailangan ng industriya.
“A key aspect in every effective strategy is having accurate and comprehensive data to guide our decisions. With such an information system, we can take steps towards guaranteeing that our workforce is equipped with the proper knowledge and skills to fulfill the needs of the economy,” sabi ng mambabatas.
Dagdag pa niya na malaki ang maitutulong ng mas magandang labor forecasting para matiyak na may alam at hindi mahuhuli lalo na ang mga new hires pagpasok sa trabaho dahil may angkop na silang kaalaman at kasanayan mula sa kolehiyo o kaya naman ay TESDA. | ulat ni Kathleen Forbes