Kinilala si Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Eli Remolona bilang isa sa World’s Best Central Bankers.
Kabilang si Remolona sa 25 Central Bank leaders na pinuri sa kanilang performance lalo na sa pangangasiwa sa pagcontrol ng inflation, pagkamit ng economic growth, katatagan ng piso at interest rate management.
Ang parangal ay ipinagkaloob sa kaniya ni Global Finance Magazine editorial director Joseph Giaraputo sa Washington DC.
Ang BSP chief ay nabigyan ng “A-“ sa ilalim ng 2024 Central Banker Report Cards.
Ayon kay Remolona, mahirap na trabaho ang central banking, ngunit dahil itinuturing niyang inspirasyon ang mga kababayan niyang Pilipino kaya karapat-dapat anya na gawin ang lahat para maisulong ang paglago. | ulat ni Melany Reyes