Binatikos ng “young guns” ng Kamara ang pag-alis sa bansa ng Chief-of-Staff ng Office of the Vice President sa kabila ng imbitasyon sa kaniya na dumalo sa sinasagawang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Ayon kay Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, ilang beses ng inimbitahan ng komite si Zuleika Lopez at anim pang opisyal ng OVP ngunit kahit minsan ay hindi ito dumalo.
Binigyan diin ng mambabatas ang kahalagahan ng pagrespeto sa legislative process gayundin ang hindi Magandang ehempo ng pagbalewala sa mga imibistasyon ng komite.
Samantala, kwinsetyon naman ni Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang desisyon ni Lopez na unahin ang personal na lakad sa halip na dumalo sa pagdinig sa kabila na isang siyang government official at ang pinaguusapan ay ang paggasta sa kaban ng bayan.
Ayon naman kay Ako Bicol Rep. Jill Bongalon na kaduda duda ang motibo ng biyahe patungong Amerika ng COS ni VP Sara Duterte—paraan upang makaiwas sa kanyang pananagutan.
Panawagan ng mambabatas kay Lopez, unahin ang kaniyang responsibilidad na ipaliwanag ang mga umanoy iregularidad sa paggastos ng confidential fund ng OVP. | ulat ni Kathleen Forbes