Mga subject sa Senior High School, babawasan ng Department of Education

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabibilis na ng Department of Education (DepEd) ang pagpapasimple sa curriculum ng mga mag-aaral ng senior high school.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layon ng hakbang na ito na makatutok ang mga estudyante sa kanilang on-the-job training o work immersion.

Sa isinagawang 2024 Regional Conference on Educational Planning in Asia, binigyang diin ni Secretary Angara, na target ng DepEd na maging handa ang mga mag-aaral sa industriya kahit wala pa silang karanasan sa pagtatrabaho.

Nasa direksyon na umano ang DepEd na ibaba sa lima hanggang anim na subjects ang core curriculum sa Senior High School.

Pinulong na rin ni Angara ang mga academic expert para sa pagrepaso ng mga programa partikular na ang English, Science, at Math standards.

Sa ngayon, wala pang timeline na ibinibigay ang DepEd kung kailan ipatutupad ang pinasimpleng curriculum sa Senior High School. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us