Lalawigan ng Cagayan, idineklara ng DA na malaya na sa bird flu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang idineklara ng Department of Agriculture (DA) na wala nang bird flu sa Lalawigan ng Cagayan.

Ito ang naging resulta sa masinsinang monitoring at mga hakbang sa pagkontrol ng sakit na isinagawa sa loob ng ilang linggo, na nagpatunay na tuluyan nang wala ang naturang virus sa lalawigan.

Nauna rito ay inilagay sa mahigpit na pagbabantay ang Cagayan matapos matuklasan ang H5N1 strain ng bird flu virus sa mga gamefowl sa bayan ng Solana noong January 2023.

Ang Cagayan Province ay bahagi ng bird migration path at ang migratory bird species ay maaaring magdala ng bird flu virus. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us