Handang mag inhibit sa pagdinig ng Quad Committee sina Representative Dan Fernandez at Benny Abante, co-chairs ng komite.
Ito ay sakaling talakayin ng komite ang alegasyon ni Police Chief Colonel Hector Grijaldo, na kinausap siya ng dalawa para sang-ayunan ang salaysay ni dating PCSO General Manager Royina Garma partikular ang tungkol sa reward system sa war on drugs.
Ani Fernandez, ito aniya ay para matiyak na magiging “transparent, impartial, at honest” ang imbestigasyon.
Giit niya, ito ay para sa integridad ng Quad Comm at para hindi na dungisan ang imahe ng komite dahil lang sa kanila ni Abante.
Dahil naman sa hindi sumipot si Grijaldo sa pulong ay inisyuhan ito ng show cause order.
Sa isinumiteng liham ni Grijaldo, sinabing may iniinda itong sakit sa balikat. | ulat ni Kathleen Forbes