Muling siniguro ng Commission on Elections (Comelec) ang kahandaan nito na magsagawa ng kauna-unahang halalan para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito ang tiniyak ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia sa kabila ng mga inihaing panukalang batas na ipagpaliban ang nasabing halalan.
Aniya, kung hindi isasabay ang halalan ng BARMM sa 2025 Midterm elections, masasayang lamang ang ginawang paghahanda ng Comelec maging ang mga ginastos dito.
Sa gagawin kasing 2025 midterm elections, isang makina lamang ang gagamitin para sa national, local at BARMM.
Nagsimula na rin daw ang pagtanggap ng Comelec ng Certificate of Candidacy para sa mga nagnanais na kumandidato sa BARMM election. | ulat ni Michael Rogas