Maituturing pa rin ang Pilipinas bilang fastest growing economies sa Asya kasunod ng inilabas na 5.2 percent na 3rd quarter gross domestic product (GDP) growth.
Ayon kay Department of Finance (DOF) Recto ang accelerated private spending ng Pilipinas ay nanatiling fastest-growing economies in Asia.
Naungusan ng bansa ang GDP growth ng Indonesia (5.0%), China (4.6%), at Singapore (4.1%) sa third quarter ng 2024.
Sa loob naman ng unang tatlong quarter nangunguna rin ang GDP growth ng Pilipinas sa Indonesia, China at Singapore.
Ang paglago ng ekonomiya ay bunsod ng pinakahuling policy rate cuts at reserve requirement reduction kaya tumaas ang purchasing power ng mga Pinoy.
Aniya, nananatiling responsive ang gobyerno para suportahan ang pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda upang paunlarin ang kanilang ani.
Gayundin ang tulong ng pamahalaan sa nga nasalanta ng bagyo upang makabangon sila agad sa epekto ng kalamidad. | ulat ni Meany Valdoz Reyes