Pinagmumulta ng Supreme Court ang isang huwes sa Antipolo City Regional Trial Court dahil sa kabiguan nito na resolbahin ang hawak niyang kaso sa loob ng pitong taon.
Sa desisyon ng Korte Suprema na isinulat ni Associate Justice Henry Pual John Inteng, “Guilty” sa kasong Gross Neglect of Duty si Antipolo City RTC Branch 99 Judge Miguel Asuncion.
Ibinase ng SC ang hatol sa rekomendasyon ng Judicial Integrity Board na parusahan si Judge Asuncion na pinagmumulta ng ₱201,000 dahil sa pitong taon na pagkakaantala sa hawak niyang kaso.
Nag-ugat ang kaso matapos siyang ireklamo ng isang Rolly Castillo na nagsampa ng kaso laban sa Princeville Construction Corporation at isang Engr. Alfred Figueras.
Sapilitan umanong pinaalis si Castillo sa kanyang pwesto sa New Cubao Central Market at inukupa ito ng mga akusado.
Makalipas ang ilang pagdinig ay nagdesisyon si Judge Asuncion na submitted for resolution ang naturang kaso noong April 11, 2016.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naglabas ng kanyang desisyon bagay na siya ay pinagmulta na ng Korte Suprema dahil sa maraming paglabag sa New Code of Cannon Law, Judicial Code of Ethics, at Rules of Court. | ulat ni Mike Rogas