Economic team, itutulak ang  agarang pagpasa ng Kongreso ng  ₱6.35-T 2025 Pambansang Budget para sa mas mabilis na paglago ng ekonomiya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang lalong itulak ang mabilis na paglago ng ekonomiya, isinusulong ng economic team  ang agarang pagsasabatas ng ₱6.35 trillion na Pambansang Budget sa susunod na taong 2025.

Sinabi ng Department of Finance (DOF), ang Pambansang Budget ay katumbas ng 22.1% ng inaasahang gross domestic product ng bansa para sa taong 2025 at mas mataas ng 10.1% kumpara sa  2024 budget na ₱5.77 trillion.

Mahigit sa kalahati ng budget o halos 62.5%  ay ilalaan sa serbisyong para sa bayan tulad ng imprastruktura, health, education,  human capital development, social welfare, employment, housing, at iba pang social protection programs.

Samantala, ayon sa DOF, pagtutuunan din nila ang pamumuhunan sa Filipino workforce  upang makalikha ng de-kalidad na trabaho, pataasin ang kanilang sweldo, at mabawasan ang kahirapan.

Kasabay nito, nag-commit ang gobyerno na palakasin ang hakbang ukol sa climate  mitigation  at disaster preparedness  para sa katatagan ng bansa.

Patuloy din na bibigyang kapasidad ang mga local government units  sa pamamagitan ng People’s Survival Fund (PSF) at pagpapalawig ng  micro-insurance para sa komunidad at vulnerable sector. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us