Pagpapatupad ng counterflow sa EDSA-Bus Carousel, pinaboran ng ilang pasahero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pabor ang ilang mga pasahero na baliktarin ang daloy ng EDSA-Bus Carousel.

Ito’y para hindi ito maabuso at magamit ng mga pasaway.

Sinabi sa Radyo Pilipinas ng ilang sumasakay sa EDSA Busway na sa pamamagitan ng pagbaligtad ng daloy ng EDSA-Bus Carousel ay magiging “exclusive” na lang ito sa mga bus.

Ibig sabihin, hindi na ito madaraanan ng hindi awtorisadong sasakyan na may “protocol plate” at mga sasakyan na nais lang umiwas sa trapik sa EDSA.

Ayon pa sa ilang mga pasahero, mas ligtas ang pagbaligtad sa EDSA-Bus Carousel dahil ang pintuan ng mga bus ay nasa kanan kaya naman makakadiretso na agad sila sa babaan.

Aminado silang nakakapanibago sa umpisa subalit ginhawa naman ang maidudulot nito sa mga pasahero.

Sa ngayon, kinakausap na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga kumpanya na nag-o-operate sa busway at maaring magka-desisyon kung ipatutupad ito bago matapos ang taon.

Nabatid na maliban sa kamakailang pagdaan ng sasakyan na may plakang 7, naaubuso din ang bus-carousel lane ng ambulansyang walang emergency o sakay na pasyente at mga law enforcement officer. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us