Pilipinas, kayang depensahan ang mga sariling isla nito — AFP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na handa nitong depensahan ang sarili nitong mga isla.

Ito ang babala ni AFP Chief, General Romeo Brawner Jr. sa mga magtatangkang manghimasok sa soberanya ng bansa.

Sa kaniyang pagbisita sa Kota Island sa Palawan para sa AFP Joint Excercise Dagat, Langit at Lupa (DAGITPA), sinabi ni Brawner na isa ito sa mga dahilan kaya’t puspusan ang kanilang ginagawang pagsasanay at pagpapalakas ng kakayahan.

Kabilang sa mga naging scenario ang pagbawi ng AFP sa sarili nitong teritoryo sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng paglapit ng BRP Ramon Alcaraz.

Sinundan naman ito ng Mechanized Assault ng mga sundalong sakay ng rigid-hull inflatable boat at aerial support ng NC212 aircraft.

Giit pa ng AFP chief, pagpapakita ito na kaya ng Pilipinas na gawin ang nabanggit na operasyon nang hindi basta umaasa sa mga kaalyadong bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us