Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa, Offshore Gaming Operations o Services, Internet Gaming Licenses, at iba pang Offshore Gaming Licenses.
Sa bisa ng Executive Order No. 74, bumuo ng technical working group (TWG) na naatasang mag-develop at magpatuppad ng komprehensibong istratehiya, upang epektibong maipatupad ang ban na ito sa POGO.
Bubuuin ang TWG na ito ng mga kinatawan mula sa :
Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) na magsisilbing Chairperson, Department of Labor and Employment (Vice Chair), at Department of Finance (DOF), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Budget and Management (DBM), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Information and Communications Technology (DICT), at National Economic and Development Authority (NEDA), bilang miyembro.
Ang TWG ang naatasan, upang paigtingin ang crackdown sa lahat ng iligal POGO at IGLs at iba pang offshore operations, partikular na inatasan ang Presidential Anti- Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at iba pang law enforcement agencies.
Pinatitiyak sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na hindi mapapasok ng POGOs ang mga komunidad, sa pamamagitan ng mahigpit na pakikipag-ugnayan ng national government sa homeowners associations sa bansa.
Pinamo-monitor naman sa Department of Tourism ang tourism establishment at facilities, upang masiguro na hindi magagamit sa ano mang iligal na offshore gaming operations ang mga ito.
Inatasan naman ang PAGCOR at Bureau of Internal Revenue (BIR), na pabilisin ang pangungulekta ng mga kinakailangang fees at taxes na mayroong kinalaman sa POGO.
Habang inatasan rin ang Department of the Interior and Local Govenrment (DILG) na paigtingin ang kanilang ugnayan sa LGUs, at siguruhin na walang POGOs ang nago-operate sa kanilang nasasakupan.
Ang mga mabibigong sumunod sa kautusang ito ay maaring maharap sa adminstrative at dispilianry sanction.
Pirmado ni Pangulong Marcos ang kautusan, ikalima ng Nobyermebre, 2024. | ulat ni Racquel Bayan