BIR, nagbabala sa mga taxpayer na may maraming TIN

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue ang mga taxpayer na kumuha lang ng isang Tax Identification Number (TIN).

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang sinumang indibidwal na nakakuha ng higit sa isang TIN ay lumalabag sa National Internal Revenue Code.

May katapat umano itong multa na Php1,000 o pagkakulong ng hindi hihigit sa anim (6) na buwan o pareho.

Sinabi pa ni Lumagui na bukod sa criminal liability, mahihirapan din ang mga indibidwal na may higit isang TIN sa kanilang mga transaksyong pinansyal, tulad ng pagbukas ng bank account o pag-aaplay para sa isang pautang.

Maaari ding magdulot ito ng kalituhan at mga pagkakamali sa paghahain ng mga tax return.

Payo ng BIR Chief, kapag hindi sinasadyang nakakuha ng maraming TIN, kinakailangan lamang na mag-request ng cancellation para mabalewala ang iba. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us