Presyo ng gulay sa Agora Market sa San Juan City, nananatiling mataas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling mahal ang presyuhan ng gulay sa Agora Public Market sa San Juan City.

Sinabi sa Radyo Pilipinas ng mga nagtitinda, epekto pa rin ito ng mga nagdaang bagyong Kristine, Leon, at Marce.

Ang Sibuyas ay nasa ₱120 kada kilo, Bawang ay nasa ₱160 kada kilo, Talong ay nasa ₱130 kada kilo.

Luya ay nasa ₱250 hanggang ₱300 ang kada kilo, ang Kamatis ay nasa ₱120 ang kada kilo, Carrots ay nasa ₱180 kada kilo.

Ang Repolyo at Pechay Baguio ay nasa ₱120 at ang Bell Pepper ay nasa ₱350 kada kilo.

Sa mga karne naman, ang manok ay nasa ₱220 hanggang ₱230 kada kilo.

Sa baboy, ang kasim ay ₱320 hanggang ₱370 ang kada kilo, habang ang baka ay nakapako sa ₱450 kada kilo.

Presyuhan naman ng isda, sa Galunggong, nasa ₱260 hanggang ₱280 kada kilo (karamihan ay frozen na).

Ang Bangus naman ay nasa ₱150 hanghang ₱220 ang kada kilo at Tilapia ay nasa ₱120 hanggang ₱140 ang kada kilo.

Inaasahan namang tataas pa ito lalo’t nananalasa ang bagyong Nika at posible pang masundan ng panibagong bagyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us